Ipinauubaya na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa sasakyang nakitang dumaan sa EDSA Busway na sinasabing pagmamay-ari ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kahapon, Miyerkules, Setyembre 2.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakatanggap na ang ahensya ng show cause order mula sa LTO matapos lumitaw na ang plaka ng sasakyan ay nakarehistro sa isang MMDA vehicle.
Isinurrender na rin umano ni Torre ang naturang sasakyan at binigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag.
Samantala, sinabi ni Artes na hindi muna maaapektuhan ang trabaho ni Torre dahil wala pang suspension order o pinal na resulta ang imbestigasyon. | via Earlo Bringas

