Pinagtulungang bugbugin ng mahigit limang estudyante ang isang Grade 9 student sa labas ng Quezon National High School sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City nitong Martes ng umaga, Setyembre 1.
Kaliwa't kanang suntok, hampas, at sipa ang tinamo ng biktima. Hinabol pa siya ng isa sa mga estudyante at sinuntok muli habang nakatalikod.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, habang wala pa ring pahayag ang pamunuan ng Quezon National High School hinggil sa pagkakasangkot ng kanilang mga estudyante. | via Allan Llaneta
📷: Contributed


