Sinabi ng Department of Education (DepEd) na nasa ₱7.783 bilyon ang kailangang pondo para sa paglilinis, pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga paaralang napinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Sa datos ng DepEd, umabot sa 11,167 silid-aralan sa 2,243 paaralan sa buong bansa ang napinsala. Kabilang dito ang 6,530 silid-aralan na bahagyang napinsala, 2,389 na lubhang napinsala, at 2,248 na tuluyang nawasak.
📷: DepEd


