Dead on the spot ang 58-anyos na foreign national na negosyante matapos barilin habang sakay ng motorsiklo sa Kiko Camarin Road, Barangay 178, Caloocan City, nitong Martes ng gabi, Setyembre 1.
Ayon sa ulat, aalis na ng mall ang biktima nang biglang sumulpot ang isang armadong lalaki at pinaputukan siya. Mabilis namang tumakas ang gunman at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Agad rumesponde ang pulisya sa lugar, habang nagdulot naman ng matinding trapiko ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek. | via Jim Tejano
📷: Contributed


