Hinarang ng Lanao del Norte Police Provincial Office at Philippine Army ang convoy ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 131st Brigade sa checkpoint sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte kahapon, Setyembre 2.
Ayon sa pulisya, walang naipakitang dokumento mula sa liderato ng MILF para sa kanilang biyahe kaya pinabalik ang convoy sa kanilang pinanggalingan sa Picong, Lanao del Sur.
Layunin umano ng mga awtoridad na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. | via Ely Dumaboc
📷: PIO-PPO


