Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pilipinong tripulante ang nasawi matapos tamaan ng mga projectile ang isang oil tanker sa Strait of Hormuz noong Lunes, Agosto 31.
May kabuuang 16 na Pilipino ang sakay ng crude oil vessel na SIDR, isang Saudi Arabian vessel, nang mangyari ang insidente.
Ligtas naman ang 14 pang tripulante, at kasalukuyang inaasikaso ng ahensya ang kanilang repatriation o pagpapauwi sa bansa.
Dahil dito, nagpaalala ang mga awtoridad na nasa red alert o mataas na panganib ang Strait of Hormuz at pinayuhan ang mga barko na huwag nang dumaan sa lugar.
📷: Reuters


