Humiling ang Office of the Vice President (OVP) ng ₱785.204 milyong budget para sa 2027. Mas mababa ito ng 11.7% kumpara sa ₱889.236 milyong pondo nito ngayong 2026.
Kabilang sa budget ang ₱220.232 milyon para sa mga empleyado, ₱561.651 milyon para sa operasyon at mga programa, at ₱3.321 milyon para sa kagamitan. May hiwalay ding ₱15.544 milyon para sa retirement at life insurance ng mga permanenteng empleyado ng OVP.
Ayon sa OVP, prayoridad nito ang mga programang nagbibigay ng tulong tulad ng libreng sakay, food assistance, disaster response, at iba pang serbisyo.
📷: Inday Sara Duterte


