Fri, Sep 4Friday, September 4, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    Mataas na tore: Lusot sa busway, lusot sa batas?

    Dapat ay isalba ng MMDA ang respeto at pagtalima ng mga motorista sa kanilang otoridad.

    September 03, 20262 min read

    Araw-araw, ang MMDA ay nanghuhuli ng mga ordinaryong motorista na lumabag sa batas-trapiko; pero ang mismong General Manager pala nila na si dating PNP Chief Nicolas Torre, nabistong mas maraming nilabag.

    Isang Toyota Fortuner ang nakuhanan ng isang motorista na dumadaan sa EDSA busway noong Agosto. Hindi na bago sa atin na may mga nahuhuling pasaway sa bahaging ‘yan ng EDSA.

    Here’s the catch. Pagsilip ng LTO sa plaka, hindi pala tugma sa registration. Tadtad din ng MMDA-markings ang sasakyan, na sa unang tingin nga naman, parang legit na patrol vehicle. Sa pagsambulat ng kontrobersya, lumitaw na personal na sasakyan lang ito ni Torre.

    But wait, there’s more. Sa isang report na inilabas ng pahayagang Abante, sinabi ng isang source na konektado diumano ang sasakyan sa isang pulitiko. Kaabang-abang! Kung totoo man, sinong pulitiko kaya ang maaaring nagbigay o nagregalo nito kay Torre? At hindi ba’t kabawal-bawalan sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng ganiyang regalo?

    Hindi na tuloy pumreno si Mar Valbuena ng MANIBELA:

    “Siga ang dating ano, para kahit mag-violate sa kalsada, nakalagay MMDA patrol. Astig diba.”

    Kahit ang hepe ng LTO na si Markus Lakanilao, sinabing walang opisyal ng gobyerno ang mas mataas pa sa batas.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Blatant abuse of power. Iyan ang nakikita natin sa maraming mga opisyal ng gobyerno ngayon. Walang accountability at hindi naaalis sa kapangyarihan.

    Sabi pa nga ni Valbuena, sila na “nasa posisyon pa ang nangunguna sa pambababoy at pagsisiga-sigaan sa kalsada.”

    Marami ang humanga sa mahigpit na pagpapatupad ng MMDA ng patakaran sa EDSA busway. Minsan nang nasangkot diyan ang convoy nina boxing icon Manny Pacquiao, Manong Chavit Singson, maging ang mga taga-PNP-HPG at DILG.

    May mga nag-sorry, nasibak, natiketan.

    Kaya, bakit hindi pa mag-resign o patawan ng parusa ang sigang opisyal?

    Ang karaniwang motorista nga, ora mismo tinitiketan at may pagkakataong ipinapahiya pa sa content. Baka naman pag opisyal ay palusutin pa ‘yan at kalimutan na lang.

    Dapat ay isalba ng MMDA ang respeto at pagtalima ng mga motorista sa kanilang otoridad.

    Hindi ba’t ang MMDA ang nagpapatupad ng batas-trapiko sa mga pangunahing kalsada? Bakit kung sino pa ang boss ng mga tagapagpatupad ng batas, siya pa’ng unang lumalabag?

    “Siga komo nasa posisyon!” ika nga ng MANIBELA.

    Kung nakalusot ‘yan sa EDSA busway, hindi dapat palusutin sa pananagot sa batas.

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Misael →

    Keep reading

    Next columnWalang planoBy Caesar VallejosPulang-pula ang economic dashboard: 2.3% growth, piso sa P62, PSEi below 6,000, at FDI down by a third—mga numerong nagpapakita ng lumalalim na problema at kawalan ng malinaw na tugon ng gobyerno.→

    More from Misael

    Kaniya-kaniya na?Aug 31→ Rocket sa Cagayan, A.I. hub sa Tarlac: Ano ang kapalit?Jul 31→Malapit na kasi ang SONAJul 17→

    More voices in Opinion

    The filth we paid forRikki Mathay·Aug 31→Ang kaawa-awang kalagayan ng mga arawan tuwing tag-ulanCaesar Vallejos·Aug 30→
    ←NET25 Opinion