Posibleng buong araw isagawa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Oktubre. Kasabay nito, tatalakayin din ng Senado ang panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027.
Ayon kay Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, maaaring itakda ang buong araw na paglilitis sa Oktubre 1 at 2, 5 hanggang 9, at 12 hanggang 15, mula alas-10 ng umaga hanggang gabi.
Layunin nitong mapabilis ang pagdinig at mapakinggan ang isa hanggang tatlong testigo kada trial date.
Kaugnay nito, walang impeachment trial mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 6 dahil sa budget hearings at holiday break.
📷: Senate


