Gumuho ang lupa sa isang bahagi ng Purok 3, Guisad Surong, Baguio City kagabi, Setyembre 2.
Ayon sa Baguio PIO, bahagyang napinsala ang isang bahay at agad na inilikas ang anim na residente.
Naglagay din ang mga awtoridad ng pansamantalang takip at iba pang proteksyon upang maiwasan ang karagdagang pagguho.
📷: Baguio PIO


