Nakita ang katawan ng isang 73-anyos na lalaki na nakasubsob sa isang creek sa Barugo Road, Matarik Bridge, Barangay 175, North Caloocan City, nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 2.
Ayon sa pulisya, umalis ng bahay ang biktima pasado 4:00 ng madaling araw noong Martes, Setyembre 1 para sa kaniyang nakagawiang pag-jogging. Hindi na ito nakauwi kaya hinanap ng pamilya sa mga kalapit na lugar, hanggang sa kinabukasan ay natagpuan na lamang ang kaniyang bangkay sa creek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi at mga pangyayari sa likod ng insidente. | via Jim Tejano
📷: Contributed


