Sinabi ng PAGASA na ang mataas na tubig sa Manila Bay ay isa sa mga sanhi ng malawakang pagbaha sa Pampanga River Basin sa Central Luzon.
Ayon sa state weather bureau, nakadagdag din sa pagbaha ang malakas na ulan, pagdami ng mga gusali at kabahayan, pati ang problema sa ilang flood control project.
Sakop ng Pampanga River Basin ang mahigit 10,000 square kilometer na lupain sa Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at hanggang Bataan.



