Biglang tumaas sa 8,165 tonelada kada araw ang sulfur dioxide (SO₂) emission ng Bulkang Mayon, ayon sa DOST-PHIVOLCS nitong Setyembre 4.
Ito ang ikalawang pinakamataas na antas ng SO₂ emission na naitala sa Mayon mula nang magsimulang bumaba ang volcanic gas noong Hulyo 16.
Bagama’t nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, sinabi ng PHIVOLCS na maaaring senyales ang mataas na gas emission na posibleng magpataas sa aktibidad at pagsabog ng bulkan.
Pinaaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at manatiling alerto sa posibleng uson, rockfall at ashfall.



