Nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban sa siyam na indibidwal kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Kabilang sa mga respondent ang foreign former coach na si Tab Baldwin.
Nagsimula na ang preliminary investigation at nakatakda ang susunod na hearing sa Setyembre 15 para sa pagsusumite ng counter-affidavit ng mga respondent.
Samantala, patuloy ang case build-up sa hiwalay na reklamo para sa umano’y paglabag sa Anti-Hazing Act.


