Isusumite ni Education Secretary Sonny Angara ang panukalang magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa mga lokal na opisyal at school heads na magpasya sa suspensyon at pagbabalik ng klase batay sa aktuwal na kondisyon sa kanilang lugar.
Inaprubahan ng Social Development Committee Cabinet Cluster ang panukala matapos iulat na umabot sa 53 araw ang instructional loss sa ilang paaralan noong School Year 2023–2024 dahil sa mga kalamidad.
Saklaw din ng panukala ang mas maraming hazard, kabilang ang matinding ulan, pagbaha, lindol, storm surge, volcanic smog, at extreme heat.
📷: PNA



