Sinampahan ng apat na kaso ng frustrated murder at anim na kaso ng attempted murder ang 15-anyos na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Inirekomenda ang piyansang ₱72,000 para sa bawat kaso ng frustrated murder at ₱36,000 para sa bawat kaso ng attempted murder. Isinampa ang mga kaso sa Regional Trial Court (RTC) sa Tacloban.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), napag-alamang kumilos ang 15-anyos nang may sapat na pag-unawa at nakipagsabwatan sa 14-anyos na kasama niya.
Matatandaang tatlong estudyante ang namatay at hindi bababa sa 20 ang nasugatan sa insidente.

