Nagkabitak-bitak at bumigay ang ilang bahagi ng sementadong taildike road sa Barangay San Nicolas, Minalin, Pampanga, matapos ang magkakasunod na malalakas na pag-ulan at pagbaha hanggang ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Dahil dito, hirap sa biyahe ang mga residente at motorista, habang ilang kalsada ay tanging motorsiklo na lamang ang nakadadaan. May mga lugar din na sarado na sa lahat ng uri ng sasakyan, kaya bangka ang ginagamit ng ilan para makarating sa kanilang destinasyon.
Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang lebel ng tubig at kondisyon ng mga daanan sa Minalin at mga karatig-bayan. | via Victor Sanchez
📷: Minalin Police

