BAYANIHAN NGAYONG TAG-ULAN 🤝
Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang mga residente sa Longos, Calasiao, Pangasinan na nagdulot ng matinding pagbaha ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Maraming residente ang naapektuhan matapos umabot sa kanilang mga tahanan ang tubig-baha. Apektado rin ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa kabila nito, namahagi ng pagkain ang ilang mga residente bilang tulong at pagmamalasakit sa mga naapektuhan ng baha. | via Ruth Yumul
