Arestado ang isang high-value individual matapos makumpiska ang humigit-kumulang 1 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱6.8 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Balagtas, Batangas City.
Ang suspek ay isang 24-anyos na residente ng Dasmariñas, Cavite. Bukod sa droga, nasamsam din ang ₱1 milyong boodle money, cellphone, at iba pang ebidensya.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Martin Banaag
📷: Batangas PPO

