Inaprubahan ng Sandiganbayan Third Division ang kahilingan ni Sen. Rodante Marcoleta na pansamantalang makalabas ng kulungan para sa isang medical checkup sa Setyembre 7.
Isasagawa ang mga medical test sa The Medical City sa Pasig City matapos ma-diagnose ang senador na may paglaki ng prostate, hypertension at mataas na cholesterol.
Samantala, nakapagpiyansa na ang senador ng ₱90,000 para sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree 46, ngunit nahaharap pa rin siya sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱75 milyong hindi idineklarang campaign donations.

