Sat, Sep 5Saturday, September 5, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    NET25/News Update/VP Sara humarap sa QC court matapos ang warrant of arrest: 'I do not feel safe'
    National News

    VP Sara humarap sa QC court matapos ang warrant of arrest: 'I do not feel safe'

    Personal na humarap si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Hall of Justice matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.

    September 05, 2026 12:30 pm
    VP Sara humarap sa QC court matapos ang warrant of arrest: 'I do not feel safe'

    QUEZON CITY — Personal na humarap si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Hall of Justice ngayong Sabado, Setyembre 5, isang araw matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang isang korte sa Quezon City kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.


    Sa kanyang pagdating, iginiit ng Bise Presidente na hindi siya ligtas at inamin niyang natatakot siya para sa kanyang buhay at sa kanyang mga anak.


    “I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako,” ani Duterte sa mga mamamahayag.
    Ayon sa Bise Presidente, mayroon siyang dokumentadong banta at panliligalig mula pa noong 2023. “I have documented threats and harassment since 2023. I fear for my children. I do not feel they are safe if I am with them,” dagdag niya.


    Sinabi rin ni Duterte na kahit umalis na siya sa kinaroroonan ng kanyang mga anak upang humarap sa korte, pumunta pa rin doon ang mga pulis.


    Naunang dumating sa Hall of Justice ang kanyang mga abogado na sina Atty. Paul Lawrence Lim at Atty. Michael Poa. Hindi muna nagbigay ng detalye ang legal team kung agad na maghahain ng piyansa ang Bise Presidente.


    Inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98, sa ilalim ni Judge Maria Angelica de Ramos, ang warrant of arrest noong Biyernes, Setyembre 4. Itinakda ng korte ang piyansa sa P120,000 kada bilang, o kabuuang P360,000, para sa tatlong kaso ng grave threats na isinampa sa ilalim ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

     

    Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Duterte sa isang online press briefing noong Nobyembre 2024, kung saan sinabi niyang mayroon siyang inupahan upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay. Inihain ng Department of Justice ang reklamo noong unang bahagi ng Agosto.


    Paulit-ulit na iginiit ng Bise Presidente na “maliciously taken out of logical context” ang kanyang mga pahayag, at hindi umano ito banta kundi pagtukoy sa umiiral na panganib sa kanyang buhay.


    Naghain ang kampo ni Duterte ng motion to quash sa batayan ng jurisdiction, nangangatwirang mayroong limitadong procedural immunity ang mga impeachable official sa ilalim ng 1987 Konstitusyon. Ginanap ang oral arguments noong Agosto 25. Ayon sa DOJ, ibinasura ng korte ang hiling ng kampo ng Bise Presidente na bawiin ang warrant.
     


    “Inirerespeto naman ng Justice Department ang ruling ng korte kasabay ng pagtiyak sa pagsunod sa rule of law,” pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez.


    Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maghahain “ASAP” ng piyansa ang kampo ni Duterte. Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na maaaring mag-proseso ng bail application ang korte kahit Sabado.


    Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na isang nakaupong Bise Presidente ang sumasailalim sa kriminal na prosekusyon at inisyuhan ng warrant of arrest.


    Hiwalay ang kasong kriminal sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Duterte sa Senado, bagaman isa sa mga artikulo ng impeachment ang nakabatay sa parehong grave threats allegations.
     

    National News
    • National NewsSep 04, 2026 6:05 pm
      Abot-hita na ang baha sa Minalin, Pampanga
    • ₱6.8M shabu, nasamsam sa Batangas
      National NewsSep 04, 2026 5:50 pm
      ₱6.8M shabu, nasamsam sa Batangas
    • Kalsada sa Minalin, winasak ng ulan
      National NewsSep 04, 2026 5:40 pm
      Kalsada sa Minalin, winasak ng ulan
    • National NewsSep 04, 2026 5:30 pm
      QC Court Naglabas ng Arrest Warrant Laban kay VP Sara Duterte
    • EnvironmentSep 04, 2026 5:22 pm
      Marilaque Highway sa Baras, Rizal, sarado dahil sa landslide
    • Marcoleta, pinayagang lumabas para sa medical checkup sa Setyembre 7
      National NewsSep 04, 2026 5:19 pm
      Marcoleta, pinayagang lumabas para sa medical checkup sa Setyembre 7
    • Chinese survey ship, namataan sa Bajo de Masinloc
      InternationalSep 04, 2026 5:14 pm
      Chinese survey ship, namataan sa Bajo de Masinloc
    • 15-anyos na suspek sa pamamaril sa Tacloban school, sinampahan ng 10 kaso
      ProvincialSep 04, 2026 5:08 pm
      15-anyos na suspek sa pamamaril sa Tacloban school, sinampahan ng 10 kaso
    • Dead Sea, unti-unti na nga bang lumiliit? | ASPN
      EnvironmentSep 04, 2026 5:00 pm
      Dead Sea, unti-unti na nga bang lumiliit? | ASPN
    • Anti-Fencing Law: Sino ang mananagot? | ASPN
      News ProgramsSep 04, 2026 4:00 pm
      Anti-Fencing Law: Sino ang mananagot? | ASPN
    • Alex Eala, umusad sa third round ng US Open
      SportsSep 04, 2026 1:07 pm
      Alex Eala, umusad sa third round ng US Open
    • Road papuntang Minalin, Pampanga, nasira dahil sa malakas na ulan
      ProvincialSep 04, 2026 1:05 pm
      Road papuntang Minalin, Pampanga, nasira dahil sa malakas na ulan
    • Mindanao grid placed under red, yellow alerts on Friday
      National NewsSep 04, 2026 12:45 pm
      Mindanao grid placed under red, yellow alerts on Friday
    • NBI, nagsampa ng reklamo laban sa 9 kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo athletes
      SportsSep 04, 2026 12:20 pm
      NBI, nagsampa ng reklamo laban sa 9 kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo athletes
    • BFP Chief Jesus Fernandez, tinanggal sa puwesto dahil sa graft at bribery case
      National NewsSep 04, 2026 12:18 pm
      BFP Chief Jesus Fernandez, tinanggal sa puwesto dahil sa graft at bribery case
    • Ombudsman, bubuo ng special team para imbestigahan ang korapsyon sa garbage contracts
      National NewsSep 04, 2026 12:17 pm
      Ombudsman, bubuo ng special team para imbestigahan ang korapsyon sa garbage contracts
    • PAGASA: Mataas na tubig sa Manila Bay, nakadagdag sa pagbaha sa Pampanga
      ProvincialSep 04, 2026 12:13 pm
      PAGASA: Mataas na tubig sa Manila Bay, nakadagdag sa pagbaha sa Pampanga
    • Mayon, biglang tumaas ang sulfur dioxide emission
      EnvironmentSep 04, 2026 11:51 am
      Mayon, biglang tumaas ang sulfur dioxide emission
    • Marilaque Highway sa Baras, hindi madaanan dahil sa landslide
      ProvincialSep 04, 2026 11:44 am
      Marilaque Highway sa Baras, hindi madaanan dahil sa landslide
    Top Stories
    1. 1
      Sara Duterte, itinuring nang sumuko sa mga awtoridad; nagpiyansa sa QC RTC
      Sep 05, 2026 1:16 pm
    2. 2
      Chavit Singson Dumating sa Quezon City RTC
      Sep 05, 2026 12:55 pm
    3. 3
      VP Sara Duterte: “Sa taumbayan na lang ako may tiwala”
      Sep 05, 2026 12:40 pm
    4. 4
      4.4-magnitude earthquake strikes Zambales
      Sep 04, 2026 11:30 pm
    5. 5
      Heavy rainfall expected as monsoon continues to affect Luzon, Visayas
      Sep 04, 2026 11:15 pm
    6. 6
      Bayanihan sa kabila ng matinding baha sa Calasiao, Pangasinan
      Sep 04, 2026 7:20 pm
    Salpukan sa Ortigas Extension, nagdulot ng mabigat na trapiko
    Salpukan sa Ortigas Extension, nagdulot ng mabigat na trapiko
    Sep 04 2026 11:40 am
    Wildfire, sumiklab sa kagubatan sa Camarines Sur
    Wildfire, sumiklab sa kagubatan sa Camarines Sur
    Sep 04 2026 11:38 am
    Face-to-face classes, suspendido sa NCR at 15 probinsya ngayong Setyembre 4
    Face-to-face classes, suspendido sa NCR at 15 probinsya ngayong Setyembre 4
    Sep 04 2026 11:36 am