Pahayag ni Vice President Sara Duterte isang araw matapos mailabas ang warrant of arrest.
Dumating si VP Sara sa Quezon City Hall of Justice ngayong Sabado, Setyembre 5, kung saan siya nagpiyansa para sa kasong grave threats na isinampa laban sa kaniya.
Aniya, pinayuhan siya ng kaniyang mga abogado na magpiyansa sa halip na manatili sa kustodiya ng mga awtoridad.
Giit ng bise presidente, hindi siya ligtas at mula pa noong 2023 ay nakatatanggap na siya ng mga panggigipit at harassment.
📷: Inday Sara Duterte/FB



