Sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tiwala kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at inakusahan ang pamahalaan ng harassment at surveillance o pagmamanman laban sa kaniya.
Kasunod ito ng pahayag ni Remulla na alam ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Duterte ngunit hindi agad ipinatupad ang arrest warrant laban sa kaniya.
Ayon sa Bise Presidente, nagpapatibay umano ito sa mga dokumentong hawak nila tungkol sa pagmamanman ng PNP at iba pang ahensya ng gobyerno sa kaniya at kaniyang pamilya.
Matatandaang noong Setyembre 4, naglabas ng arrest warrant ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 laban kay Duterte kaugnay ng tatlong kaso ng grave threats. Kinabukasan, nag-post siya ng kabuuang ₱360,000 bail para sa mga kaso.


