Na-raffle na sa Third Division ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Lunes, September 7.
Ang kaso ay inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa kontrobersiya sa mga flood control project ng gobyerno. Sa pagkaka-raffle ng kaso, ang Third Division na ng anti-graft court ang hahawak sa mga susunod na proceedings kaugnay nito.
Patuloy namang itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya. | Via Tjay Mendoza


