Kasalukuyang naka-confine sa ospital ang mahigit 60 pasyente na may leptospirosis mula sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon sa San Fernando, Pampanga.
Ayon sa pamunuan ng ospital, may mga pasyenteng inilagay sa isolation rooms para sa mas mahigpit na monitoring at agarang medical care.
Naghahanda rin ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue ngayong tag-ulan.
Namamahagi ang DOH ng doxycycline sa mga barangay para sa mga matagal na nalubog sa baha. Samantala, nagbibigay naman ng financial assistance ang mga awtoridad sa mga pamilyang may kaanak na ginagamot dahil sa leptospirosis.
📷: PNA


