Nasawi ang isang indibidwal dahil sa pagbangga ng isang SUV sa Quezon City nitong madaling-araw ng Linggo, Setyembre 6.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng SUV ang Tomas Morato Avenue bandang 3:00 ng madaling-araw nang bumangga ito sa ilang sasakyan at motorsiklo.
Nagpatuloy pa umano ang SUV patungong Quezon Avenue at Elliptical Road, kung saan nadagdagan pa ang mga sasakyang nasangkot sa insidente.
Patay ang isa at isinugod sa ospital ang mga nasugatan. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver habang inaalam ang sanhi ng insidente at ang posibleng kasong isasampa laban sa kaniya.
| via Jim Tejano
📷: QCPD


