Bukod sa kasong plunder, may iba pang kasong inihahanda ang Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Hindi pa tinukoy kung ano ang mga karagdagang kasong posibleng isampa laban sa dating Speaker. Ang panibagong development ay kasunod ng pagsasampa ng Ombudsman ng plunder case laban kay Romualdez sa Sandiganbayan.
Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nais nilang matiyak na matibay ang mga kasong isasampa ng kanyang tanggapan. Patuloy namang itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya. | via Tjay Mendoza


