Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad matapos tumaob ang isang motorboat sa karagatang sakop ng Caluya, Antique.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isa ang nasawi habang walo ang ligtas sa mga sakay ng bangkang “San Agustin IV.” Patungo sana sa San Jose, Occidental Mindoro ang bangka bago tumaob dahil sa malalakas na alon.
Patuloy naman ang operasyon para hilahin pabalik sa Semirara Island ang bangka.
| via Jim Tejano

