Nagsampa ng kasong plunder ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Lunes, Setyembre 7.
Nag-ugat ang kaso laban sa pinsan ng Pangulo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa multi-billion corruption scandal mula sa mga flood control project ng gobyerno.
Bukod kay Romualdez, kapwa nasampahan din ng kaparehong kaso si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co at dalawang iba pa.
📷: TJay Mendoza


