“May kinalaman ba ang VP dito o ibinulsa mo lang?”
Tinanong ulit ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang prosecution panel kung ihaharap pa nila bilang mga testigo sina Col. Raymund Lachica at Col. Dennis Nolasco.
Aniya, nais malaman at tanungin ng mga senator-judge si Lachica kung binulsa nito ang pera ng taumbayan.
“Ano ba talaga? May kinalaman ba ang Vice President dito? May basbas ba siya? O ibinulsa mo lang?” pahayag ng senador.
Kinumpirma naman ng prosecution na hindi na nila ihaharap sina Lachica at Nolasco.
Sinabi naman ni Presiding Judge Sen. Chiz Escudero na maaaring ipatawag ng impeachment court ang dalawa kung hindi sila ihaharap ng depensa at kung ituturing na mahalaga ang kanilang testimonya.



