"THIS IS NOT YET THE TIME."
Sinabi ni prosecution counsel Atty. Mae Divinagracia na “already a tad too late” para hindi pa makapagbigay ng posisyon ang depensa kung tunay na pangalan o alias ang mga nakalista sa acknowledgment receipts.
Ngunit kalmadong iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na kailangang patunayan muna ng prosecution ang kaso bago obligahing magbigay ng posisyon ang depensa.
Aniya, maaari silang manatiling tahimik hanggang sa matapos ng prosecution ang paglalatag ng ebidensiya.
“Precisely because this is not yet the time of the defense to present its evidence,” ani Sison.



