Inilabas na ang opisyal na warrant of arrest at hold departure order laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at sa kaniyang mga kapwa akusado na sina dating Rep. Zaldy Co at dalawa pa, ukol sa ₱7.4-billion plunder case na inihain ng Office of the Ombudsman.
Kasunod ng kautusan ng Sandiganbayan 3rd Division, agad na kumilos ang PNP-CIDG para ikasa ang paghuli at pagsisilbi ng warrant.
Dahil ang kasong plunder ay itinuturing na non-bailable, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan.
Ang kaso ay nag-ugat sa diumano'y malawakang kickback scheme mula sa mga flood control at infrastructure project mula 2022 hanggang 2025.
Samantala, muling iginiit ng legal counsel ni Romualdez na nakahanda silang harapin ang mga pormal na akusasyon sa korte upang patunayan ang kaniyang kawalan ng kasalanan.



