“Ang mga opisyal ay sariling interes ang inuuna.”
PANOORIN: Pinahayag ni Vice President Sara Duterte na sa taumbayan lamang ang kaniyang tiwala at nagpasalamat din siya sa patuloy na suporta, panalangin, at pag-aalala sa kaniya ng publiko.
Hiniling niya sa kaniyang mga tagasuporta na huwag ma-pressure o mag-alala sa impeachment at mga kasong kinahaharap niya, dahil marami umanong abogado ang tumutulong sa kaniya para maipanalo ang mga kaso.
Aniya, ang tunay na pressure ay ang nakikita niyang paghihirap ng mga Pilipino dahil sa baha, gutom, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, habang ang administrasyon ni Marcos Jr. at iba pang mga opisyal ay inuuna lamang umano ang kanilang pansariling interes.
📹: Inday Sara Duterte/Facebook


