“I cannot say na 100 percent accurate iyong negative results.”
Kinuwestiyon ni defense counsel Justin Nicol Gular si Assistant National Statistician Marizza Grande kaugnay ng mga certification ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may “negative record” sa mga pangalan sa listahan mula sa House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Grande, ang certification ay tumutukoy lamang sa availability ng records at hindi nagpapatunay na walang taong may ganoong pangalan.
Itinanong din ng depensa kung maaaring maapektuhan ng clerical errors ang paghahanap sa PSA database. Sinabi ni Grande na flexible ang sistema sa paghahanap ng posibleng entries.
Ipinakita ng defense counsel ang transcript ng pagdinig noong Abril 14, 2026, kung saan sinabi ni Grande ang naturang pahayag at kinumpirma niya ito.
📺 TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: NET25 Livestream



