"IPAGLALABAN KO ANG KONSTITUSYONG ITO HANGGANG SA DULO NG AKING BUHAY."
Hinimok ni Senator-Judge Robin Padilla ang impeachment court na sundin ang tamang proseso at panindigan ang Konstitusyon sa paglilitis.
“Hindi po ako nagmamagaling dito, ako po’y ex-convict,” ani Padilla.
Aniya, hindi man mataas ang kaniyang pinag-aralan, ipaglalaban niya ang Konstitusyon hanggang sa dulo ng kaniyang buhay.



