Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naghain ng one-month leave si General Manager Nicolas Torre III, simula ngayong araw, Setyembre 8.
Ang naturang leave ay kasunod ng insidente kung saan nahuling dumaan sa EDSA Busway ang sasakyan na gamit ni Torre. Dahil dito, ni-revoke ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver ng naturang sasakyan.
Wala pang ibinigay na karagdagang detalye ang MMDA kaugnay sa naging desisyon ni Torre na mag-leave. | via Earlo Bringas



