Nasawi ang dalawang menor de edad matapos masunog ang limang kabahayan sa Purok 1, Villa Consuelo, Ozamiz City, Misamis Occidental nitong Lunes ng umaga, Setyembre 7.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natukoy na may mga batang naglalaro ng apoy na umano’y naging sanhi ng sunog na nagsimula bandang 11:40 ng umaga. Lumaki ang sunog dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan.
Mabilis namang naapula ang sunog matapos rumesponde ang mga awtoridad. | via Avelino Baclaan



