Magtutungo sa France si Ombudsman Jesus Crispin Remulla para makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad hinggil sa kinaroroonan ni dating kongresista Zaldy Co.
Ayon kay Remulla, ayaw ng Pilipinas na maging “taguan” ng nakaw na yaman ang France. Nabanggit din niya na naroon din si Sen. Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste, na iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng mga solar power project.
Matatandaang nahaharap si Co sa kasong graft kaugnay ng umano’y korapsyon sa mga flood control project.



