Pumalo sa 15,763 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula Agosto 2 hanggang Agosto 15, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng 9% kumpara sa 14,409 kaso na naitala noong Hulyo 19 hanggang Agosto 1.
Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na agad magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng mataas na lagnat at matinding pananakit ng katawan.
Pinaiiwas din ang paglusong sa baha hangga't maaari at huwag mag-imbak ng mga naipong tubig na maaaring maging tirahan ng mga lamok.
📸: Iloilo Government


