Muling iginiit ni lead defense cousel Atty. Sheila Sison na hindi na kailangang personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial dahil kinakatawan naman siya ng kaniyang mga abogado.
Ayon kay Sison, malinaw na mula pa noong unang araw ng paglilitis na naroon si Duterte sa pamamagitan ng kaniyang legal team para ipagtanggol ang kaniyang panig.


