Sinabi ni Senator-judge Kiko Pangilinan na opisyal na ipinaabot ni Senator Rodante Marcoleta sa Senate President at presiding officer ang kaniyang hangaring makilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Pangilinan, magiging pagkakataon ito para linawin, talakayin at pagdesisyunan ng Senado ang naturang kahilingan.
Kasalukuyang nakadetine si Sen. Marcoleta sa New Quezon City Jail Male Dormitory at nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang ₱75 milyong campaign donations noong tumakbo siya sa pagka-senador.


