Humihingi ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang ₱541.5 milyon para sa Special Education Program (SPED), kabilang ang pondo para sa dagdag na personnel, pasilidad, kagamitan at training para sa mga paaralang nagsisilbi sa learners with disabilities.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, wala umanong budget cut sa SPED dahil ang ₱1.04 bilyong pondo noong 2026 ay may kasamang congressional insertion. Gayunman, nananatiling mabagal ang pagtatayo ng Inclusive Learning Resource Centers (ILRCs).
Sa target na 1,642 ILRCs sa buong bansa, 32 pa lamang ang naitatag makalipas ang apat na taon mula nang maisabatas ang Inclusive Education Act. Sa 2027, ₱81.6 milyon ang nakalaan para sa pagtatayo ng anim pang ILRCs, na magdadala sa kabuuang bilang sa 38.
📷: PNA


