Tinutulan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang planong ipatawag siya bilang testigo sa impeachment trial.
Ayon kay lead counsel Atty. Sheila Sison, hindi maaaring pilitin ang bise presidente na tumestigo dahil protektado ito ng Konstitusyon.
Kasunod ito ng pahayag ng prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan na hindi na nila ihaharap ang natitirang mga testigo para sa Article 1 o alegasyon sa maling paggamit ng confidential funds. Maaari umano nilang ipatawag si Duterte matapos iharap ang apat na artikulo.
Sinabi naman ni Senate impeachment court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na hihintayin muna ang pormal na mosyon bago magpasya kung maaaring ipatawag si VP Sara.
