Pinadadalo ng Sandiganbayan ang mga doktor na sumuri kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. Ito ay sina Dr. Rody Dy, Dr. Rogelio Libarnes, Dr. Kurt Allen Sibayan at Dr. Rosalio Torres. Maging si Romualdez ay kailangan dumalo sa pagdinig sa Setyembre 10.
Bubusisiin ng korte ang kaniyang kahilingan na manatili sa ospital dahil sa kaniyang kondisyon sa kalusugan, sa kabila ng kaniyang pagkakaaresto kaugnay ng ₱7.4 bilyong plunder case.
Nais malaman ng Sandiganbayan ang kaniyang kondisyon bago magpasya kung mananatili siya sa ospital o ililipat sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP).
📸: CIDG NCR.
