Hinatulan na ng Manila RTC ang tatlong sangkot sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, sa hiwalay na mga kasong may kinalaman sa illegal na pag-iingat ng baril, bala, at pampasabog.
Walo hanggang sampung taon na pagkakakulong ang ipinataw kay Joric Labrador, habang reclusion perpetua naman ang hatol kina Joven Javier at Benjie Rodriguez matapos makuhanan ng dalawang granada. | via Earlo Bringas
