Nasawi ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo, matapos umano silang barilin ng tauhan ng isang manukan sa Lucena, Quezon. Napagkamalan umano silang mga magnanakaw. Napag-alaman na nanghuhuli ng gagamba ang dalawa.
Ayon sa kasama ng mga biktima, itinaboy sila ng tauhan ng manukan nang mapadaan sila sa lugar ngunit hinabol umano sila nito at pinaputukan ng shotgun. Tinamaan at nasawi ang dalawang biktima habang nakaligtas ang iba pa nilang kasama.
Nadakip na ang tauhan ng manukan, ngunit wala pa itong pahayag tungkol sa insidente.


