TERMITE GANG, HULI SA TANGKANG PANLOLOOB SA PAWNSHOP.
Arestado ang walong lalaki matapos umanong tangkaing pasukin at pagnakawan ang isang pawnshop sa Santa Ignacia, Tarlac. Pinaghihinalaang miyembro sila ng “Termite Gang” dahil sa modus na pagbubutas sa lupa para makapasok sa kanilang target.

Naaktuhan ang grupo matapos ma-trigger ang alarm ng pawnshop. Limang suspek ang unang nahuli habang tumatakas sa kanal, at tatlo pa ang nadakip sa kanilang getaway vehicle. Nakuha sa kanila ang mga gamit sa paghuhukay, baril, granada, at sachet ng hinihinalang shabu.


Wala umanong nakuhang anuman ang mga suspek sa pawnshop at pawang mga dayo mula Quezon City at karatig na probinsya, ayon sa mga awtoridad. | via Ismael Mateo
📸: Sta. Ignacia MPS

