Nasa 12,161 barangay sa buong bansa ang posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa habagat o southwest monsoon, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kabilang dito ang mga lugar sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Eastern Visayas.
Pinapayuhan ng MGB ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa low-lying areas, na manatiling alerto at mag-ingat dahil inaasahan pa ang mga pag-ulan sa Luzon at Visayas.
📸: MDRRMO Apalit


