Nanawagan ang mga opisyal ng gobyerno ng mas matibay na proteksyon sa mga submarine cable, energy pipeline, at iba pang critical maritime infrastructure laban sa sabotage, cyberattack, at iba pang banta.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mahalaga ang mga imprastrakturang ito sa internet connectivity, komunikasyon, supply ng enerhiya at ekonomiya. Kabilang sa tinututukan ang Philippine Domestic Submarine Cable Network at Malampaya pipeline.
Iminungkahi rin ng mga ahensya ng gobyerno ang mas maigting na monitoring at subsea domain awareness, habang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang mga legal gap sa pagprotekta sa mga imprastraktura sa exclusive economic zone ng bansa.
📸: NGCP


