Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong tangayin at ibenta ang isang e-trike na nakaparada sa Barangay 720, Malate, Manila noong Linggo, Setyembre 6.
Ayon sa pulisya, natunton ang mga suspek sa Tondo matapos ang habulan. Narekober naman ang e-trike na naibenta umano online sa halagang ₱14,000.
Inamin ng mga suspek ang krimen at sinabing may dalawa pa silang kasabwat. Mahaharap sila sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
📸: Malate MPD


